Manny Pacquiao, pinasalamatan ang mga magsasakang Pilipino: “You have been feeding our nation.”



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang pinakitang suporta ni Senador Manny Pacquiao sa maraming mga magsasakang Pilipino. Para sa senador at boxing legend ay talagang napakahalaga ng ginagampanan ng mga magsasaka para sa kapakanan ng maraming mga Pilipino.



Ramdam ni Senador Manny ang sakripisyo ng mga magsasakang ito mula noon hanggang ngayon. Nagbahagi din siya ng ilang mga larawan sa social media kung saan makikitang dinalaw niya at inobserbahan ang kalagayan ng ilang mga magsasaka sa bansa.

“To all my Farmer heroes, Maraming Salamat po sa inyong matinding sakripisyo. You have been feeding our nation and you deserve to be treated with respect.” Pahayag ni Senador Manny.



Sinigurado din niya sa mga magsasaka na patuloy na makikinig sa kanila ang gobyerno at sisikaping unahin ang kanilang kapakanan.


“We will listen to your sentiments and we will make sure that you will benefit from the services of our government. I will continue to support you. God bless us all,” dagdag pa niya.

Maaalalang nagpasa ng resolusyon kamakailan lamang ang senador upang mapaimbestigahan ang “P10-B Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)” ng “Department of Agriculture”. Hindi na rin naiwasan pang magkomento ni Senador Manny sa paghihirap at pagsubok na kinakaharap ng mga magsasaka dahil sa pagbaba ng kanilang mga ano nitong nagdaang mga taon.

Pahayag ng senador: “When the measure was presented and explained to me, I was assured that our farmers will not be left behind. Pero kung papakinggan mo ang ating mga magsasaka, talagang halos umiiyak na sila dahil sa baba ng bentahan ng palay.”


Tunay nga na marami ang natuwa dahil sa pagbibigay malasakit at atensyon ng senador para sa maraming mga magsasaka ng ating bansa. Madalas ay hindi sila nabibigyan ng halaga kahit pa nga sila talaga ang dahilan kung bakit mayroong masarap na kanin sa ating hapag-kainan araw-araw.




error: Content is protected !!