Rabiya Mateo ipinahayag na hinding hindi niya iiwanan ang kaniyang nobyo kahit pa manalo siya bilang Miss Universe Philippines 2020!



Hinangaan ng publiko ang naging pahayag ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na hinding hindi niya iiwanan ang kaniyang kasintahan kahit pa manalo siya sa prestihiyosong patimpalak. Batid naman nating mabigat ang nakaatang na responsibilad para sa mga kababaihang nagnanais maging isang beauty queen.

Hindi madali ang pagpili sa mga prayoridad at mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan bilang isang babae at isang beauty queen ngunit talaga namang nakakamanghang malaman na mayroon pa rin palang beauty queen na malaki ang pagpapahalaga sa mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay. Tulad na lamang ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na proud na proud sa kaniyang nobyo.

Pinatunayan niyang maaari naman palang magmahal ng isang beauty queen kahit pa nga mayroon ding mabigat na responsibilidad na nakaatang sa kaniyang mga balikat lalo na at magiging kinatawan siya ng isang bansa. Ayon sa ilang mga ulat ay hindi inililihim ng Indian-Filipina beauty queen ang kaniyang long term relationship sa kaniyang kasintahan na noon pa man ay kasama na niya sa pag-abot ng kaniyang pangarap sa buhay.




“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend. We’ve been together since college. I can make a man stay.” Pahayag ni Rabiya.


Tunay ngang napakaraming mga netizens ang namangha sa pahayag niyang ito na talaga namang nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang kasintahan. Inamin din ni Rabiya na mayroon pala siyang video kung saan nangangako siya sa kaniyang nobyo na hindi niya ito iiwanan kahit pa manalo siya sa sa Miss Universe Philippines 2020.

Ang maswerte niyang nobyo ay walang iba kundi si Neil Salvacion na isa palang nurse. Talaga namang makikita sa mga social media posts ni Rabiya ang sweetness nilang dalawa ng kaniyang nobyo.

Naging matalinghaga rin ang kaniyang paglalarawan sa kanilang relasyon ngunit talagang maraming mga netizens ang naantig dito.
“If it’s true love, it will never end.” Pahayag ni Rabiya sa isa sa kaniyang mga naging interview.




error: Content is protected !!