KC Concepcion mayroong sweet na mensahe para sa kaarawan ng kaniyang ama na si Gabby Concepcion!



Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas nakilala ng publiko bilang si KC Concepcion ay 35 taong gulang na aktres, singer, TV host, entrepreneur, at humanitarian. Hinangaan siya ng marami dahill sa pambihirang pagganap niya sa kaniyang mga karakter sa telebisyon at pelikula.

Isa rin siyang mahusay na mang-aawit tulad ng kaniyang ina. Ang kaniyang mga magulang ay sina Megastar Sharon Cuneta at Utimate Leading Man na si Gabby Concepcion. Hindi man naging matagumpay ang relasyon nila bilang mag-asawa ay nanatili pa rin silang mabuting mga magulang para sa anak nilang si KC.



Sa ngayon ay isa siya sa hinahangaang aktres at mayroong pinakamagandang mukha sa kaniyang henerasyon ngayon. Kamakailan lamang ay nagdiwang si Gabby ng ika-56 na taon niyang kaarawan at mayroong napakasweet na mensahe para sa kaniya ang kaniyang anak na si KC.

Ayon sa Instagram post ni KC ay ang kaniyang ama mismo ang nagsisilbing gabay niya sa maraming mga bagay na dapat niyang matutunan sa buhay. Lumaking siyang “independent” ngunit sa kabila nito ay palagi pa ring nariyan ang kaniyang ama lalo na kung kailangan niya ng isang ama sa kaniyang tabi.




Dahil dito ay lubos siyang nagpapasalamat sa kaniyang ama dahil sa pagmamahal nito sa kaniya at sa pagpapaalala patungkol sa maraming mga materyal na bagay o “fancy things” na kaniyang kinahihiligan. Tinuruan din diumano siya ng kaniyang ama na bigyang halaga ang mga simpleng bagay sa kaniyang paligid dahil hindi naman lahat ng kasiyahan ay sa mga materyal na bagay lamang matatagpuan.

Tunay nga na hindi madaling lumaki sa isang pamilya na tulad ng pamilya ni KC ngunit sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap ng kalooban na kaniyang naranasan sa maagang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang at pagkakaroon nila ng kaniya-kaniyang pamilya ay nanatiling mabuting tao si KC. Patunay ito na naging sapat ang pagmamahal at mga pangaral sa kaniyang ng kaniyang mga magulang at ng ibang taong nagmamahal sa kaniya.




error: Content is protected !!