Derek Ramsay, ipinagtanggol ang dating nobyang si Andrea Torres matapos itong sisihin ng isang netizen dahil sa naging paghihiwalayan nilang dalawa!



Si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. o mas hinangaan ng publiko bilang si Derek Ramsay ay 43 taong gulang na British-born Filipino model, Kapuso actor, at host. Siya ay isinilang sa Enfield, England at lumaki sa Cainta, Rizal.



Isa siya sa pinakamakisig at pinakagwapong aktor ng henerasyon. Marami na din siyang nagawang mga pelikula at programa sa telebisyon kapareha ang pinakamahuhusay na mga aktres. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging buhay pag-ibig ni Derek.




Mayroon na din itong isang anak sa dati niyang asawa na naging kontrobersiyal pa nga nang una itong mapabalita. Maging ang matamis nilang pagtitinginan ng isa pang mahusay na Kapuso actress na si Andrea Torres ay sinubaybayan rin ng marami.



Talagang kinakiligan ng publiko ang naging on-screen love team ng dalawa na nauwi nga sa pagiging magkasintahan. Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nalungkot dahil sa balitang hiwalay na ang dalawa.




Noong una ay napansin lamang ng ilan nilang mga tagahanga ang pag-unfollow ni Andrea kay Derek sa social media account nito. Maging ang ilan sa mga larawan nila ay wala na rin.



Gayundin naman ay nagbura na rin ng mga larawan ng aktres si Derek sa kaniyang social media account kung kaya naman naging maugong ang usap-usapang hiwalay na talaga sila. Makalipas naman ang ilang mga araw ay nagsalita na ang dalawa at kinumpirma na tinuldukan na nga nila ang halos isang taon rin nilang relasyon.

Napakabilis ng mga pangyayari at nais sana ng kanilang mga tagahanga na mauwi na sa “happily ever after” ang kanilang pag-iibigan ngunit napagdesisyunan na nilang maghiwalay. Sa kabila nito ay hindi pa rin naiwasan ng aktor na ipagtanggol si Andrea sa isang netizen na tila sumisisi rito dahil sa naging paghihiwalay nilang dalawa.

“Ano ba kayo 1 year lang sila ni andrea samantala ‘yong past n’ya 6 years lahat bakit ganon kadali kay andrea something is wrong with andrea wag ‘nyo isisi kay derek lahat ‘yong past n’ya 6 years.” Pahayag ng naturang netizen.




“Please don’t point the finger at anyone. Thereis nothing wrong with Andrea. She is a great woman.” Pagtatanggol naman ni Derek kay Andrea.




error: Content is protected !!