John Lloyd Cruz inilarawan ang kaniyang anak na si Elias bilang kaniyang tagapagligtas!



Ayon kay John Lloyd, wala nang iba pang magpapasaya sa kaniya kundi ang pagiging isang ama. Minsan na niya itong ibinahagi sa naging interview sa kaniya ng batikang TV host na si Boy Abunda.

Tinanong nito ang aktor kung masaya ba siya ngayon at ang sagot ni John Lloyd ay talagang umantig sa puso ng publiko. Ayon kasi sa aktor ay wala na raw mas liligaya pa sa pagkakaroon ng isang maliit na anak.

Sa ngayon nga ay dalawang taong gulang na ang anak nila ng aktres at modelong si Ellen Adarna at talagang makulit na rin ito. Pero para sa aktor ay wala pa rin itong kasing saya. “Ang lupit”, ang mga katagang binitawan niya.



Inilarawan niya ang kaniyang anak bilang “My Little Savior”. Tiyak na marami ang nakaaalala sa balitang gumimbal sa publiko. Taong 2017 kasi nang maging usap-usapan ang diumano ay relasyon ni John Lloyd at Ellen na nagsimula nang maging magkatrabaho sila sa isang sikat na programa noon sa telebisyon kasama ang aktres na si Toni Gonzaga.



Hindi pa umaamin ang dalawa noon hanggang sa kumalat na nga ang ilang mga larawan ni Ellen kung saan kapansin-pansin ang pagdadalang-tao nito. Akala ng marami ay “happy ever after” na ang magiging katapusan ng kanilang relasyon dahil sa magkakaroon na sila ng isang buong pamilya.

Ngunit muli na namang nagulat ang publiko nang mapabalita ang naging paghihiwalay ng dating magkasintahan. Sa kabila nang naging paghihiwalay nila ay nanatili pa rin silang magkatuwang sa pagpapalaki ng kanilang anak.

Sa katunayan nga ay sa Cebu City namalagi ang aktor buhat nang magkaroon ng lockdown sa bansa dahil sa pandemya upang mas makasama pa niya ang kaniyang anak. Aminado si John Lloyd na hindi naging tama ang panahon ng kaniyang pamamahinga o pag-alis sa ningning ng show business ngunit napakalaking bagay sa kaniya ngayon ang mga nararanasan niyang simpleng bagay na noon ay hindi niya nagagawa.

Gayundin naman ay napakapalad at napakasaya niya dahil sa nabigyan siya ng pagkakataong maging ama sa kaniyang anak na si Elias.




error: Content is protected !!