Tekla, game na game na naglakad habang nakadiaper sa isang pampublikong lugar para sa latest vlog nila ni Donita Nose!



Muli na namang nagpasaya ang tambalang “Donekla” na binubuo nina Tekla at Donita Nose na kapwa mga sikat na host at komedyante. Sa ngayon nga ay pinasok na rin nila ang “vlogging”.

Sa YouTube channel nilang “Donekla in Tandem” ay talaga namang sasakit ang panga at tiyan ninyo sa kakatawa. Kamakailan lamang ay kumasa sa isang challenge si Tekla, pinamagatan nila ang kanilang latest vlog na “Can’t Say No Challenge Mother and Son”.



Si Donita ang naging ina sa “challenge” na ito habang si Tekla naman ang “baby”. Hamon pa ng una sa huli ay bumili raw ito ng “doughnut” at “dishwashing liquid” sa labas ng condo unit ni Tekla habang nakasuot siya ng “diaper”.






“Bilang ako ang iyong nanay at anak kita, bibihisan kita. Kasi nga ang turing ko sa iyo baby, so kailangan naka-diaper ka.” Pahayag ni Donita.


Hindi ito inatrasan ni Tekla at talaga namang game na game niya itong ginawa. Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib sa kaniya at sobrang natuwa sa ginawang pagpapatawa ng dalawa.



Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng publiko sa kanilang latest vlog:




“Laptrip talaga ang donekla in tandem, wala talagang makakapantay.” Komento ng isang netizen.

“Ang rules lng eh need ng mask and face shield, kung walang pants ok lng hahahahaaa.” Pahayag pa ng isa.

“Donekla lng malakas, malakas ang tawa ko lakas mka good vibes ang cute ni baby tekla.” Turan naman ng isa.



“Yong kahit SILA tawang tawa sa mga kalukuhan NILA.” Komento naman ng isa pang netizen.


“Ang sakit ng tiyan at panga ko sa sobrang tawa. nakaka good vibes talaga ang donekla tandem,” wika naman ng isa pa.

Tunay nga na sa gitna ng pandemyang ito at sa napakami nating problema at alalahanin sa araw-araw, nakakatuwa pa ring makapanuod ng mga ganitong klase ng palabas na walang ibang nais kundi ang pasayahin at patawanin tayo.




error: Content is protected !!