Mahirap na pamilyang palagi na lamang napapalayas noon, mayaman na ngayon dahil sa pagsasaka!



Sinong magsasabing ang mga magsasaka ay mahihirap? Ang pamilyang ito ay isang patunay na kung mayroon kang pangarap sa buhay at ginawa mo ang lahat upang makamit ito ay tiyak na makakamit mo din ang tagumpay na nararapat para sa iyo.

Photo credit: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ibinahagi ni Aling Helen ang kwento ng paghihirap at tagumpay ng kaniyang pamilya saa sikat na programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Ayon sa kaniya ay hindi naman talaga naging madali ang lahat para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Noon ay talagang hirap sila sa buhay dahil ang kinikita nila sa pagsasaka ay pinambibili lamang nila ng bigas at “bagoong” na siyang pinagkakasya nila sa kanilang pamilya. Si Aling Helen at ang kaniyang asawa ay mula sa pamilya ng mga magsasaka kung kaya naman ito na rin ang naging hanapbuhay nila.

Photo credit: Kapuso Mo, Jessica Soho



Ngunit gaya ng marami sa atin ay talagang nabigo rin sila ng makailang ulit. Unang nangutang ng halagang Php50,000 si Aling Helen upang gawing puhunan sa produkto nilang Indian mango at pakwan na ibabagsak dapat nila sa Maynila.


Ngunit nabulok lamang ang mga mangga kung kaya naman itinatapon na lamang nila ito. Muli silang umuwi sa Aklan kung saan muli na naman siyang nangutang sa kaniyang mga kaibigan ng halagang Php300,000.

Pataba at binhi naman ang kaniyang binili sa perang ito na kaniyang inutang. Sa unang tanim nila ay kumita na agad sila ng Php1.2 milyong piso. Ngunit sa kasamaang-palad ay binagyo lahat ng kanilang tanim at nawasak din ang kanilang bahay.

Photo credit: Kapuso Mo, Jessica Soho

Literal na naubos ang lahat sa kanila. Sa halip na panghinaan ng loob at sumuko sa buhay ay mas ipinapatuloy nila ang kanilang negosyo sa pakwan hanggang sa hindi nila namalayang sila na pala ang pinakamalaking supplier nito sa kanilang probinsiya.

Nakapagpundar na sila ngayon ng napakaganda at napakalaking bahay, nakabili ng maraming mga sasakyan at nakaranas ng kaginhawahan sa buhay.




error: Content is protected !!