Matapos mabigo sa pag-ibig, nagbawas ng 40 lbs ang dalagang ito at naging isang flight attendant!



Hindi madali ang magbawas ng timbang sa panahon natin ngayon. Napakaraming mga tukso at pagsubok ang talaga namang kailangan nating mapagtagumpayan.

Ngunit kung talagang mayroon kang matinding pagnanais at determinasyon na makamit ang iyong nais na timbang at pangangatawan, tiyak na magtatagumpay ka rin. Tulad na lamang halimbawa ng isang 19 na taong gulang na dalagang ito na nagngangalang Quế Hương.

Hindi niya talaga inakalang magiging isa pa siyang “flight attendant” dahil sa talagang napakabigat ng kaniyang timbang noon at napakalaki ng kaniyang pangangatawan. Ayon sa kaniya ay tumitimbang siya noon ng 75 kilos (165 lbs) at may taas na 163 centimeters (5.3 ft.).




Madalas siyang nakakarinig ng hindi magagandang salita mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya dahil lamang sa kaniyang timbang. Maging ang pagtingin sa salamin ay hindi na rin niya magawa pa.

Ano man ang sabihin ng tao sa kaniya ay hindi niya alintana, para kasi sa kaniya ay ayos naman siya sa kung ano man ang katawan niya noon. Ngunit hindi niya akalain ang balitang wawasak sa kaniyang puso at talagang magiging inspirasyon niya upang mas mahalin niya ang kaniyang sarili lalo na ang kaniyang pangangatawan.

Nabalitaan kasi niyang mayroon na palang ibang nobya ang kaniyang nobyo at talagang mas maganda at mas balingkinitan ito kumpara sa kaniya. Sa halip na magmukmok at mawalan ng gana sa buhay ay nagsumikap siyang magbawas ng timbang.

Nanghiram pa siya ng perang ginamit niya para sa isang taong “membership” niya sa isang gym. Sinabayan pa niya ito ng masustansiyang pagkain at disiplinadong pamumuhay.

Ang kaniyang mga kinakain ay isda, pecho ng manok, yogurt at maramig mga gulay. Nang makamit na niya ang timbang niyang 57 kilos (125 lbs), saka niya napagdesisyunang mag-aral ng salitang Ingles at saka siya nag-aaply sa Jet star upang maging isang flight attendant.

Tunay nga na sa ngayon ay hindi mo na siya makikilala dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan.

Source: GoodTimes




error: Content is protected !!