Batang naglalako ng mansanas na hindi basta basta tumatanggap ng limos na pera sa kaniya, labis na hinangaan at kinabiliban ng publiko matapos siyang makuhanan sa isang video!



Pagkain at hindi pera ang ilan sa mga salitang binitawan ng batang ito ang talaga namang umantig sa puso ng maraming mga netizens. Nasanay na kasi tayo sa ibang mga kababayan natin na talagang mas gustong makatanggap ng pera kung humihingi sila ng tulong sa iba.

Ngunit para sa batang ito, talagang mas nais niyang paghirapan at pagtrabahuhan ang bawat sentimong kinikita niya na siya namang itinutulong niya sa kaniyang pamilya. Ayon sa naging pagbabahagi sa social media ni Xof Naraplap (Rex Palparan) ay nais na lamang sana nilan bigyan ng pera ang batang ito na naglalako ng mansanas ngunit ayaw niya itong tanggapin.

Mas gusto niyang bilhin na lamang nila ang paninda niyang mansanas kung kaya naman maging ang dalawa niyang mga kasama sa sasakyan ay napabili na din. Talaga namang namangha silang lahat dahil sa tila napakagandang pakikipagnegosasyon ng batang lalaki na ito na ayaw tumanggap ng perang limos para sa kaniya.



Maraming mga netizens naman ang labis na namangha sa batang ito ay nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa kaniya. Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon:


“We are happy and thankful to meet you kid….sana marami pang bata ang kagaya mo…magalang at mabait”, pahayag ng isang netizen.

“Sobrang bait naman ni baby boy, sana tularan ka pa ng ibang bata na tulad mo”, komento naman ng isa pa.

“Sarap maging magulang ng ganyang mga bata”, turan naman ng isa pang netizen.

“Nakakatuwa naman ang bata na ganito kabait. Saludo rin kami magulang nito na naturuan siya ng magandang asal”, pahayag pa ng isang netizen.

“Ito iyong mga batang masarap tulungan e. Pagpalain ka sana boy”, komento naman ng isa pa.

Tunay nga na hindi tayo palaging makakatagpo ng isang batang mayroong malawak na pang-unawa lalo na patungkol sa mga ganitong bagay. Kung kaya naman talagang hindi maiwasan ng marami na bumilib at mamangha sa kaniyang pambihirang pag-uugali.




error: Content is protected !!