Isang Pinay nurse ang mapalad na nakatanggap ng isang napakagandang regalo na “brand new car” mula kay Ellen DeGeneres!



Nakatanggap ng isang bagong sasakyan mula kay Ellen DeGeneres, isang American comedian, television host, actress, writer, at producer ang isa nating kababayan na nars. Siya ay walang iba kundi ang Filipino-American nurse na si Flor Maylyn Roz.

Labis kasi ang paghanga ni Ellen sa mga “medical frontliner” kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa na bigyan ng bagong sasakyan ang Pinay nurse. Sa Los Angeles nakabase si Flor at ayon sa ilang mga ulat ay dalawang mga trabaho talaga ang kaniyang pinagsasabay upang kumita bukod pa ang pag-aalaga niya sa mga “COVID-19 positive” na mga pasyente.

“The pandemic has changed everything. People who are s!ck, since they cannot be visited by their families, I will be the one who’s gonna be by their side, and let them know that there’s this person who loves them,” Pagbabahagi ni Flor sa isang video na ibinahagi ng “The Ellen Show” sa kanilang YouTube channel.




Dahil sa masyadong delikado ang kaniyang trabaho ay ilang buwan na rin niyang hindi nakakasama ang kaniyang asawa at anak. Ngunit ayon sa kaniya ay wala din naman siyang iba pang maaaring gawin kundi ang maging malakas at magpakatatag para sa kanila.


Buwan din ng Marso ay hindi niya inaasahang magpopositibo siya sa naturang sakit ngunit talagang mas nagpakatatag pa siya ng mga oras na iyon para sa kaniyang pamilya. Sa ngayon ay mabuting mabuti na ang kaniyang kalusugan at isa na nga siya sa mga nag-aalaga ng mga taong nahawa rin ng sakit na ito.

Kung hindi siya nakikisakay sa kotse ng kaniyang asawa ay madalas na nakikisabay siya sa kaniyang mga katrabaho o di kaya naman ay sumasakay na lamang sa “Uber”.

“No more Ubers for you… Just remember how much we love you and appreciate you. When you’re exhausted and when there are times when you can barely go on anymore, just remember how many people love you and how many people are grateful for you,” Mensahe naman ni Ellen para kay Flor.

Si Flor ay isinilang at lumaki sa Iligan City sa Mindanao. Nanirahan siya sa Estados Unidos kasama ang kaniyang ina ayon sa naging ulat ng “The Freeman”.




error: Content is protected !!