Iwa Moto at Pampi Lacson, excited na excited nang makita at mahagkan ang ikalawa nilang anak na isang “baby boy”!



Si Aileen Quimado Iwamoto ay nakilala natin sa screen name niyang Iwa Moto. Siya ay isang 32 taong gulang na aktres at modelo. Siya ang naging “first runner-up” noon sa ikatlong season ng “Starstruck”.

Photo credit: iam_iwa instagram

Minsan na niyang ipinamalas ang pambihirang husay niya sa pag-arte sa naging pagganap niya bilang si Rita Acuesta sa “Kung Mahawi Man Ang Ulap” at bilang Valentina sa “Darna”. Hindi man siya madalas makita ngayon sa harapan ng kamera ay madalas pa rin siyang magbahagi ng ilang mga kaganapan sa kaniyang buhay sa pamamagitan ng kaniyang social media account.

Photo credit: iam_iwa instagram

Dito rin niya ibinahagi ang napakagandang balita na magkakaroon sa sila ng ikalawang anak ng kaniyang partner na si Pampi Lacson. Ang panganay nilang anak ay pinangalanan nilang Hiromi Aiko Eve.



At sa ngayon nga ay kinasasabikan naman nila ang “baby boy” na nasa sinapupunan ng aktres. Masayang ibinahagi ito ni Iwa sa kaniyang social media account kung saan sinabi niya agad ang “gender” ng kanilang baby.


Photo credit: iam_iwa instagram

Maraming mga netizens at maging ang mga kapwa niya celebrity ang bumati sa kaniyang pagbubuntis. Hindi na rin mabilang sa kanila ang nasasabik nang masilayan ang bagong miyembro ng pamilya Lacson.
Sa ginawanga “maternity photoshoot” ni Iwa ay kitang-kita na ang malaki niyang tiyan. Ngunit hidni pa rin maipagkakailang tila “blooming” at napakasaya pa rin ng kaniyang “aura” na tila ba walang ano mang kaba o takot na nararamdaman.

Nakaupo siya sa harapan ng kanilang refrigerator na punong-puno ng pagkain. Tila hindi rin naman maawat ang aktres sa pagtikim niya sa mga pagkain na nasa kaniyang harapan.

Photo credit: iam_iwa instagram

Tunay nga na hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na ang partner ngayon ni Iwa ay ang dating mister ni Jodi Sta. Maria, mayroon din silang isang anak na pinangalanan nilang Thirdy. Hindi man simple ang sitwasyon ng kanilang pamilya sa ngayon ay komportable naman sa ganitong set-up ang kaniyang anak at maging ang anak ni Jodi na madalas ay nakakasama rin naman ni Iwa na hindi na niya itinuturing pang ibang tao.




error: Content is protected !!