Anak ni Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao, nagbahagi ng isang “sweet photo” kasama ang isang Star Magic artist habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan!



Pamilya Pacquiao, isa sa pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang tao sa ating bansa. Lumaki man sa mahirap na pamumuhay ang Pambansang Kamao at “Legendary Boxer” na si Manny Pacquiao ay talagang nagsumikap siya sa buhay upang makamit ang lahat ng mayroon sila ngayon.

Naging isa siyang matagumpay at mahusay na boksingero sa buong kasaysayan. Nagawa niya ring makapagtapos ng kaniyang pag-aaral saa kolehiyo at maging isang Senador.

Isa rin siyang “Preacher” o mangangaral ng salita ng Diyos at isang huwarang asawa at ama sa kaniyang pamilya. Ikinasal siya kay Jinkee Pacquiao noong Mayo 1999 at sila ay nabiyayaan ng limang mga supling.

Sila ay sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel. Kahit pa nga marami na silang mga ari-arian, malalawak na mga mansyon sa labas at loob ng bansa, mga magagarang sasakyan at maraming mga negosyo, hindi pa rin nalilimutan ng mag-asawang palakihin ng wasto ang kanilang mga anak.




Kapansin-pansin naman din sa lima nilang mga anak ang pagiging mapagpakumbaba at mabuting tao sa kabila ng kanilang estado sa buhay. Ngunit hindi rin talaga maiiwasan ang mga panghuhusga at panglalait sa industriyang kanilang kinabibilangan lalo na at isa na sila ngayon sa mga personalidad na sinusubaybayan ng maraming mga tao.


lamang ay naging laman na naman ng balita ang kanilang panganay na si Jimuel. Ito ay matapos siyang magbahagi ng isang larawan ng isang Star Magic artist na tila ba sila ay nasa isang “date”.

Ang Star Magic artist na ito ay walang iba kundi si Arabella del Rosario. Siya ay 19 na taong gulang na aktres, dancer, aspiring singer at model. Nag-post din naman si Arabella ng larawan sa social media kung saan makikitang nakahawak sa kaniyang mga kamay si Jimuel habang nagmamaneho ng magarang sasakyan nito.

Sa isang larawan pa nga ay tila aakma ng halik si Jimuel sa mga kamay ng dalaga. Talaga namang pinagkakaguluhan ngayon ang mga larawang ito nina Jimuel at Arabella.

Source: Facebook




error: Content is protected !!