KC Concepcion, proud na proud sa kaniyang Mommy Sharon Cuneta dahil sa daring swimsuit photo nito na talaga namang pumukaw sa atensyon ng publiko!



Ang relasyon ng isang magulang at anak ay talaga namang hindi matatawaran o mapapantayan kailan man. Napakasarap sa pakiramdam na makakita ng mga magulang at mga anak na talagang malapit na malapit sa isa’t-isa sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad.

Photo credit: itskcconcepcion instagram



Maaaring magkaroon ng ilang mga hindi pagkakaunawaan paminsan-minsan ngunit sabi nga ng mga nakatatanda “blood is thicker than water”. Mas magiging matimbang pa rin ang pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak at ng isang anak sa kaniyang magulang.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang hindi pagkakaunawaan at tampuhan ng mag-inang KC Concepcion at Megastar Sharon Cuneta. Ilang taon din kasi silang hindi nagkasama at tila ba nagkalayo na sila ng loob sa isa’t-isa.
Mayroon na kasing kaniya-kaniyang pamilya ang mga magulang ni KC na sina Gabby Concepcion at Sharon kung kaya naman pakiramdam niya ay tila ba wala nang natira para sa kaniya. Ngunit kamakailan lamang, nagbahagi ng isang daring swimsuit photo si Megastar Sharon para sa kaniyang ika-55 taong kaarawan.




Talaga namang makikita pa rin ang napakakinis at napakagandang aktres na patuloy pa rin nating minamahal at sinusuportahan hanggang sa ngayon. Maaaring medyo nadagdagan ang kaniyang timbang buhat noon ngunit mas masaya at mas kuntento ang kaniyang disposisyon ngayon sa buhay kung kaya naman kitang-kita din talaga ito sa kaniyang mga ngiti.




Hindi rin naman naawat pa ang kaniyang anak na si KC dahil sa sobrang proud ito sa kaniyang ina sa pagpopost ng napakaganda nitong larawan sa social media. Nagbibiruan pa nga ang dalawa na namana ni KC sa kaniyang ina ang magandang likuran nito na hanggang sa ngayon ay napapakinabangan pa rin ng dalaga na talaga namang ubod rin ng seksi.



Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang pagiging malapit muli ng mag-ina sa isa’t-isa at dalangin nila ay magkaroon ng collab ang dalawa sa kanilang mga YouTube channel.






error: Content is protected !!