Cherry Pie Picache sinagot ang akusasyon ng isang netizen sa siya ay isang “cougar” o isang matandang babae na pumapatol sa mas bata sa kaniya!



Si Cherry Pie Sison Picache o mas nakilala natin bilang si Cherry Pie Picache ay 50 taong gulang na aktres na madalas natin napapanuod sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon. Isa siya sa pinakamahuhusay na mga aktres sa ating bansa hanggang sa ngayon.

Minsan na rin siyang naging “print and TV commercial model” ng “Palmolive”, “Camay”, at “Eskinol”. Tunay nga na napatunayan na niya sa publiko ang kaniyang kahusayan bilang isang aktres.

Maliban dito ay isa rin siyang mapagmahal sa kaniyang kaisa-isang anak na si Antonio “Nio” Tria. Siya ang 18 taong gulang nilang anak ng dati niyang partner na si Gerry Tria.



Ayon sa ilang mga ulat, nakapagtapos na ng hayskul ang kaniyang anak sa gitna ng ipinatupad na “Enhanced Community Quarantine” noong Marso 2020. Maliban dito ay isa ring mahusay na tennis player ang kaniyang anak, sa katunayan ay nagwagi pa ito ng medalya noong taong 2016 sa ginanap na International Tennis Federation o ITF sa Vietnam.



Tunay nga na palaging laman ng social media account ni Cherry Pie ang kaniyang “unico hijo”. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang netizen na tila bumastos sa kaniya at nang-insulto matapos siya nitong tawagin na isang “cougar”.

Nang magbakasyon kasi ang aktres kasama ang kaniyang pamilya sa Boracay ay nagbahagi ito ng isang larawan kung saan kasama niya ang isang binatilyo. Komento naman ng netizen na si “pvera3”, “You “cougar” you! Good for you. Enjoy life to the fullest.”

Lingid sa kaniyang kaalaman ay ito ang kaisa-isang anak ng aktres. Naging mahinahon naman ang sagot ni Cherry Pie sa naturang netizen – “He is my son and the only man in my life.” Agad din namang humingi ng paumanhin ang netizen na ito dahil sa mali niyang interpretasyon sa larawang ito ng aktres.

Bumawi din ito sa pagsasabing habang buhay na siyang tagahanga ni Cherry Pie dahil sa angkin niyang kagandahan at espiritwalidad. Samantala, humanga naman ang publiko sa aktres dahil naging mabuti pa rin ito sa kaniyang kapwa sa kabila ng masakit na insultong binitiwan nito sa kaniya.




error: Content is protected !!