Meryll Soriano nagbahagi ng ilang mga larawan ng kaniyang “pregnancy journey” kasama ang bagong silang nilang anak ng aktor na si Joem Bascon!



Ang pagkakaroon ng isang supling ay napakalaking responsibilidad para sa mga magulang. Isa ito sa pinakamagandang biyayang matatanggap ng isang magkarelasyon.

Photo credit: Planetumeboshi instagram



Mahirap man at maraming magiging mga pagsubok ang kahaharapin nila ay tiyak na makakayanan nila ito ng magkasama. Tiyak din na makapagpapatatag at makapagpapatibay ito ng kanilang pagsasamahan bilang isang magkapareha.

Photo credit: Planetumeboshi instagram




Kamakailan nga lamang ay nasorpresa ang publiko dahil sa naging rebelasyon ng aktres na si Meryll Soriano nang ipakilala niya ang “baby boy” nila ng aktor na si Joem Bascon. Samantala, kinagiliwan naman ng maraming mga netizens ang “pregnancy journey” ni Meryll Soriano.



Photo credit: Planetumeboshi instagram


Tampok sa kaniyang social media post ang ilang mga larawan nila ni Joem mula nang ipinagbuntis niya ang kanilang anak hanggang sa ito ay maipanganak niya at ngayon nga ay isang buwang gulang na. Iba’t-ibang kasuotan at tema din ang kanilang mga damit sa mga larawang ito.



Photo credit: Planetumeboshi instagram



Masayang masaya ang kanilang mga mata habang kinukuhanan sila ng mga larawan. Mababakas din naman ang pagkasabik nina Joem, Meryll at Elijah sa kanilang “baby boy”. Wala din namang pagsidlan ng kaligayahan ang panganay na anak ni Meryll sa dati niyang asawa na si Bernard Palanca, walang iba kundi si Elijah Palanca.

Photo credit: Planetumeboshi instagram

Tunay nga na makikita sa kanilang mga mata ang labis na kaligayahan dahil sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. Ayon pa sa isang post ng aktres ay panibagong taon, panibagong pag-asa at bagong positibong resulta.

Photo credit: Planetumeboshi instagram



Dalangin niya para sa lahat ang kapayapaan, kaligayahan at pagmamahalan. Marami mang mga tao ang bumabatikos at nanghuhusga sa kanila ngayon ay mas nangingibaw pa rin ang biyayang dala ng kanilang munting anghel sa kanilang buhay.


Photo credit: Planetumeboshi instagram

Ayon sa ilang mga ulat, sampung taon na ang nakararaan ay nagkaroon diumano ng relasyon ang dalawa at nito lamang ngang nakalipas na taon ay muli silang nagkabalikan kung saan kumpirmadong nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.




error: Content is protected !!