Alex Gonzaga at mister nitong si Mikee Morada ibinahagi sa publiko ang naging masaya nilang bakasyon sa isang isla matapos ang kanilang kasal!



Nasorpresa ang maraming mga netizens sa naging rebelasyon ng sikat na host at komedyanteng si Alex Gonzaga patungkol sa naging “intimate wedding” nila ng kaniyang kasintahan na si Mikee Morada. Nagsilbing inspirasyon si Alex at si Toni Gonzaga sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan dahil sa kanilang pagpapahalaga sa sakramento ng kasal at pag-iisang dibdib.

Photo credit: Alex Gonzaga Official Youtube



Iginagalang at inirerespeto din nila ang kanilang mga magulang kung kaya naman talagang sinikap nilang maingatan ang kanilang sarili para sa kanilang magiging kabiyak na sina Mikee Morada at Paul Soriano. Kamakailan lamang ay ipinasilip ni Alex ang naging bakasyon nila sa napakagandang isla ng Amanpulo.

Photo credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Kasama ng bagong kasal na sina Alex Gonzaga at mister nitong si Mikee Morada ang mga magulang ni Alex na sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty. Gayundin naman ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga at ang mister niyang si Paul at anak nilang si Seve.



Talaga namang napakasarap pagmasdan ng pamilya habang nagbabakasyon sila sa isla. Maliban sa masasarap at mamahalin na mga pagkain na kanilang natikman ay nagawa din nilang magtampisaw sa pool, sumakay ng bangka at maglangoy sa dagat at mag-dinner sa beach.


Photo credit: Alex Gonzaga Official Youtube



Halatang halata ang kakulitan ni Seve ngunit kapansin-pansin din ang pagiging mapagmahal nito sa kaniyang tita at mga lolo at lola. Masayang masaya rin naman si Alex dahil sa wakas ay kasama na niya si Mikee sa kanilang “family vacation”.

Photo credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Kung noon ay hindi pa maaaring sumama si Mikee dahil sa hindi pa sila kasal, ngayon ay mas masaya na siya dahil sa hindi lamang niya kasama ang kaniyang buong pamilya kundi kasama din niya ang kaniyang pinakamamahal na mister. Hindi rin naman nakalimutan ni Alex na pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kaniya lalo na ang mga netizens na naging bahagi na rin ng kaniyang tagumpay sa industriya.

Higit pa rito ay labis ding nagpasalamat sa Diyos si Alex dahil sa napakagandang karanasan na ito kasama ang mga mahal niya sa buhay.






error: Content is protected !!