Dra. Vicki Belo, inalala ang pagiging emosyonal niya noon nang matuklasang nawala at nanakaw pala ang kaniyang paboritong Hermes bag!



Si Maria Victoria “Vicki” Gonzalez Belo-Kho o mas nakilala ng publiko bilang si Dra. Belo ay isang sikat na dermatologist at television personality. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group. Kilalang kilala si Dra. Vicki Belo bilang “doctors of the celebrities”.



Maraming mga artista, modelo, at beauty queen kasi ang kanilang inaalagaan. Mas lalo pa silang gumaganda at sumeseksi. Kamakailan lamang ay ibinahagi ng doktora ang kaniyang nakakalulang koleksyon ng mga mamahaling mga damit, sapatos, at bag!

Sa mahabang panahon ng pangongolekta niya ng mamahaling mga bag na ito ay mayroon na siya ngayong mahigit sa 30 na Birkin at Kelly bags. Halos nasa 20 taon na rin siyang nangongolekta ng mga mamahaling bag na ito.




Enero 28 nang itampok niya sa kaniyang YouTube channel ang kaniyang nag-uumapaw na walk-in closet. Habang ipinapasilip ang bahaging ito ng kanilang tahanan ay hindi niya maiwasang magbalik-tanaw sa ilang mga alala niya patungkol sa mga bag na ito.




Naalala niya ang naging isang pangyayari kung saan nawala at nanakaw ang kaniyang Birkin bag na talaga namang paboritong-paborito niya. Ayon sa kaniyang naging kwento, nawala daw ang pinakapaborito niyang bag na isang special edition.



Wala raw itong orange na kahon kundi black lamang. Matte din daw ang kulay nito dagdag pa ng doktora.



Inilarawan din niya ang kabuuan ng bag kung saan ang zipper, lock, chain, at buckle ay talagang itim. Laking panghihinayang niyang nawala ito at napalitan ng kulay puti na bag na sigurado siyang hindi talaga iyon ang bag na nakalagay dapat sa lalagyan na kaniyang binuksan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Hindi daw niya napigilang maiyak pa nang malamang wala na at nanakaw na ang kaniyang bag. Ayon sa ilang mga ulat, ang bag pala na ito ay “Birkin So Black” na ni-launch noong pang 2010 nang bumaba sa pwesto ang Creative Director ng naturang brand na si Jean Paul Gaultier matapos ang pitong taon.




error: Content is protected !!