Lolit Solis may patutsada kay Ivana Alawi patungkol diumano sa pagsasabi nitong dugyot at mabahong tingnan sina Derek Ramsay at Gerald Anderson!



Si Ivana Alawi ay kilala ngayon sa ating bansa bilang isa sa pinakasikat at pinakamagandang babae na talagang hinahangaan ng maraming mga Pilipino. Hindi lamang kasi siya ubod ng ganda kundi napakaseksi din ng kaniyang pangangatawan.


Una na siyang nakilala noon bilang kapatid ni Mona Luis Rey na ngayon ay kilala na bilang si Mona Al-Alawi. Isa rin aktres noon si Ivana dahil sa napabilang siya sa Starstruck ng GMA-7 ngunit hindi siya nabiyayaan ng mga proyekto.



Sinubukan niyang mag-vlog at dito nga siya mas nakilala ng maraming mga tao. Sa ngayon ay isa na siya sa pinakakilalang YouTube vlogger sa bansa.
Inaabangan ng milyon milyong niyang tagahanga ang bawat video niya sa kaniyant YouTube channel. Kinagigiliwan din siya ng maraming mga netizens dahil sa pagiging simple niya, mapagmahal at matulungin.


Kilala siyang mapagmahal sa kaniyang ina at mga kapatid. Hindi rin siya nagdadalawang-isip na tumulong sa mga taong nangangailangan tulad na lamang halimbawa ng mga taong kalye na binigyan niya ng ilang mga pagkain at Php10,000 upang masaya silang makapagdiwang ng Pasko.




Nakatulong na rin siya sa ilang mga “delivery rider” kung saan namahagi siya ng brand new na mga helmet at kaunting cash. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang naging patutsada ni Lolit Solis kay Ivana dahil sa diumano ay pagsasabi nitong dugyot at mabaho ang mga matinee idol na sina Derek Ramsay at Gerald Anderson.




Agad naman siyang ipinagtanggol ng kaniyang mga tagahanga at sinabing ipinapaliwanag lamang ng aktres na mas gusto niya ang mga lalaking walang bigote at malinis tingnan tulad na lamang ni Coco Martin. Dagdag pa ni Lolit ay tiyak na hindi batid ng manager ng aktres na si Perry Lansingan ang mga pahayag na binitawan nito patungkol sa mga aktor na kinakikiligan ng maraming mga kababaihan at hinahangaan ng maraming mga Pilipino.






error: Content is protected !!