Isang lalaking palaboy, mayroon palang napakagandang boses lalo na nang awitin nito ang paborito niyang kanta sa videoke!



Tayong mga Pilipino, hindi maipagkakaila na marami sa atin ang talagang talentado. Hindi lamang sa pag-awit, kundi maging sa pagsayaw, pag-arte, beauty pageant, pagmomodelo, isports, at marami pang iba.



Marami na ring mga Pilipino ang talagang gumagawa ng sarili nilang pangalan sa loob at labas ng bansa. Isa na marahil sa pinakasakit na libangin natin lalo na kung mayroong mga espesyal na okasyon ay ang pagkanta.

Hinding-hindi mawawala ang mga videoke sa handaan, birthday, inuman, Christmas party, New Year party at napakarami pang mga espesyal na okasyon. Ngunit kahit naman din sa mga natural na araw lamang ay marami pa rin sa atin ang kumakanta sa videoke.



Tulad na lamang ng isang palaboy na ito na namataang kumakanta sa isang videoke. Ang video na ito ay kuha pa mula asa Catarman, Samar at ang kumuha nito ay walang iba kundi ang netizen na si Fernan Fabregas.


Halos nasa mahigit 5 million views na ang post niyang ito sa Facebook. Dito makikita ang lalaking palaboy na si Vicencio Empalmado. Marami ang nagulat at labis na namangha ng awitin niya ang “Just Once” ng singer na si James Ingram.

Talagang sa unang pagbukas pa lamang ng kaniyang mga labi ay mapapansin mo na ang pambihirang tinig nito. Hindi lubos maisip ng mga taong naroroon at maging ng ilang mga netizens kung paanong napunta sa ganitong kalagayan si Vicencio.

Maraming mga nagsasabing marahil ay dumaan sa depresyon noon ang lalaki kung kaya naman sa ngayon ay naging palaboy na lamang siya. Hindi daw talaga biro ang depresyon kung kaya naman hindi tamang balewalain na lamang ito ng ilan sa atin.

Marami din naman ang nanghinayang dahil sa kung sakaling nasa maayos pa rin siyang kalagayan sa ngayon ay tiyak na mahahasa pa niya ang talento niyang ito at baka nga maging dahilan pa upang siya ay madiskubre.




error: Content is protected !!