Isang 84 taong gulang na lola, nagtitinda pa rin ng mga basahan sa gitna ng kalsada upang mayroong pangsuporta sa kaniyang PWD na anak!



Hindi madali ang magtrabaho sa araw-araw lalo na kung ikaw ay mayroon nang edad. Ngunit kadalasan ay wala rin naman talagang magawa ang marami sa atin dahil sa kailangan din nating makaraos sa araw-araw.

Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng publiko ang matandang babae na namataang nagtitinda ng mga basahan sa gitna ng lansangan para lamang kumita kahit kaunti. Siya si Lola Aida, 84 taong gulang na at araw-araw na nagbabanat ng buto para sa kaniyang anak na mayroong kapansanan.

Hindi alintana ng matanda ang init, pagod, at ang panganib na maaaring maidulot nito sa kaniya. Ang vlogger na si Denso Tambyahero ang siyang nakakita sa matanda kasama ang isang babaeng nagngangalang Erica.


Nagulat silang makita ang matanda na talagang nagtatrabaho pa rin ng husto. Tinanong nila ito kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang pagsusumikap sa magbenta ng basahan sa kalagitnaan ng kalye.



Agad namang sagot ng matanda na wala pa naman daw siyang nararamdamang sakit sa kaniyang katawan kahit pa nga siya ay may edad na. Sa gitna ng mapanganib na kalye ay kailangan niyang makabenta ng mga basahan para sa kaniyang anak na wala sa katinuan.


Talaga namang napakahirap ng sitwasyon niyang ito dahil sa dapat sana ay namamahinga na lamang siya sa isang komportableng tahanan ngunit heto siya at nag-uubos ng kaniyang paninda. Ang kinikita niyang P30 sa isang araw ay pinambibili lamang nila ng isang kilong bigas.

Sa halagang P50 na mga paninda ni Lola Aida ay papakyawin na dapat ng vlogger at ni Erica ang lahat ng ito ngunit sa halip na P50 ay P2,000 ang ibinigay nila sa matanda. Labis labis naman ang pasasalamat ni Lola Aida dahil sa makakauwi na siya ng maaga.

Maraming mga netizens ang pumuri sa dalawa dahil sa ginawa nilang tulong sa masipag na matanda. Sa ikalawang bahagi ng kanilang video ay ipinasilip nila ang mahirap na kalagayan ng matanda at anak nito sa kanilang munting tirahan.




error: Content is protected !!