Isang batang musmos na tumatawag sa kaniyang “Daddy” habang inililibing ito, umantig sa puso ng marami!



Sa buhay, marami tayong nararanasang pagsubok at talagang nagsasakripisyo tayo ng husto. Kahit gaano kahirap ang buhay ay marami pa rin sa atin ang patuloy na lumalaban sa hamon nito dahil sa nais nating makasama ng matagal ang ating mga mahal sa buhay.

Mahirap pero kinakaya, madalas nating marinig sa ating mga magulang at mahal sa buhay. Nakakalungkot man ngunit kadalasan ay hindi na lamang natin mamamalayan na ang isa sa mga mahal natin sa buhay ang mamamaalam dahil sa isang aksidente o di kaya naman ay dahil sa isang matinding karamdaman.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang video ng isang batang ito na labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang ama. Bagamat siya ay dalawang taong gulang pa lamang ay tila batid na niyang ito na ang huling beses na makakasama niya ang kaniyang ama dito sa lupa.



Habang karga siya ng kaniyang ina ay umiiyak ang bata at tinatawag ang kaniyang “Daddy” na maagang pumanaw dahil sa isang malubhang sakit. Kuha ang naturang video ng isa sa kanilang mga kamag-anak bilang alaala sana sa yumao nilang kaanak.


Ngunit ito ay agad na kumalat sa social media ay umani ng maraming mga komento mula sa publiko. Marami din pala ang nakakaranas nito at hindi talaga biro ang pinagdaraanan ng asawa at mga anak na naiiwan.

Kahit kasi maraming taon na ang lumipas ay talagang hindi pa rin mawawala ang sakit ng pagkawala ng kanilang minamahal na kapamilya. Nagpaabot din naman ng kanilang pakikiramay ang maraming mga netizens.

Dalangin nila na malampasan ng mag-ina ang mahirap na sitwasyong ito. Tunay nga na hindi natin hawak ang ating mga buhay kung kaya naman dapat ay mamuhay tayo ng naayon sa kalooban ng Diyos.

Upang kung ano man ang mangyari sa atin sa mundong ibabaw ay sigurado tayong makaliligtas ang ating kaluluwa sa matinding kapahamakan.




error: Content is protected !!