Isang lalaking tumulong sa isang babae noon, naligtas ang buhay nang isugod siya sa ospital kung saan pala nagtatrabaho ang babaeng kaniyang pinag-aral noon!



Marami sa atin ang namimili ng tutulungan lalo na sa panahon natin ngayon. Hindi tayo sigurado kung totoo at mapagkakatiwalaan ba ang mga taong malapit sa atin.

Madalas kasing nabibigo tayo dahil kung sino pa ang ating pinagkakatiwalaan ay sila pang magdudulot ng kalungkutan at kapahamakan sa atin. Ngunit hindi ito ang naging kaisipan ng isang lalaki sa Tsina. Siya ay walang iba kundi si Zheng Hua.

Nagkaroon kasi ng lindol noong 2008 sa kanilang lugar. Talagang malawak ang naging pinsala nito. Isa ang pamilya ni Tam Ling sa mga nasalanta. Sinira mismo ng naturang lindol ang kanilang tirahan at kabuhayan.



Dahil dito ay kinailangan nilang makitira sa kanilang mga kamag-anakan. Sa kasamaang-palad ay wala rin silang kakayanan na mapagawa ang sira nilang tahanan. Si Tam Ling na rin ang siyang breadwinner sa dalawa niyang mga kapatid.


Humanga ng husto si Zheng sa kaniyang natuklasan kung kaya naman ibinigay niya ang kaniyang cellphone number dito at sinabing tawagan siya nito sa oras na makapagtapos na ito ng hayskul. Hindi naman nagdalawang-isip pang tumawag si Tam Ling dahil sa wala rin naman talaga siyang kakayahan na mapagtapos ang kaniyang sarili sa kolehiyo.

Siya ay nagbaka-sakali lamang ngunit agad na sumagot si Zheng Hua. Inirekomenda niya si Tam Ling sa isang prestihiyosong medical school kung saan siya pa rin ang nagbayad para sa unang taon ng kaniyang pag-aaral. Sinong mag-aakala na makalipas ang 11 taon ay isusugod si Zheng Hua sa ospital kung saan doktor si Tam Ling?


Agad agad naman siyang inasikaso ngdoktor at naging maayos din ang kalagayan ng mabuting Samaritano. Nais niyang ipabatid sa publiko ang kwentong ito ng kaniyang buhay dahil nais niya na mas maraming tao ang magbahagi ng kabutihan sa kanilang kapwa.

Dahil hindi rin natin alam kung kailan naman natin kakailanganin ang tulong ng ating kapwa.




error: Content is protected !!