Binatilyong may kaarawan, ginawang cake ang kanilang bahaw at tanging sabaw lamang ang handa para sa espesyal na araw na ito!’



Marami sa atin ang hindi nakakabatid ng tunay na kahulugan ng salitang “bahaw”. Ito ay kaning lamig o ang sinaing na kanin na tira nang kinagabihan.

Madalas na sinasangag na marami sa atin ang tirang bahaw natin upang mapakinabangan pa at hindi masayang. Ngunit aakalain ba ninyo na ang bahaw pala na ito ay maaari ring gawing cake?

Isang binatilyo kasi ang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens dahil sa kakaibang handa nito para sa kaniyang kaarawan. Ang bahaw nila na mapapansing may tutong pa sa ibabaw ay nilagyan lamang nila ng kandila.


Sa katabing kaldero naman nito ay mayroon ding sabaw na tila naging handa na niya para sa kaniyang espesyal na araw. Hindi makapaniwala ang maraming mga netizen na sa kabila ng mahirap na kalagayan ng pamilya ay nagagawa pa rin nilang maging masaya at magtawanan.



Nasanay na ang marami sa atin na paghandaan at talagang paglaanan ang mga espesyal na okasyon sa ating buhay. Halimbawa na lamang ang ika-pitong kaarawan ng mga bata na pinaniniwalaan ding swerte at magdudulot ng mahabang buhay sa kanila.


Marami din naman ang naglaan ng pera, oras, at panahon para sa kanilang “debut”. Edad 18 sa mga kababaihan at 21 naman sa mga kalalakihan.

Marahil mayroon tayong kaniya-kaniya nating paniniwala at prayoridad patungkol dito ngunit hindi natin dapat malimutan na marami sa mga tao sa ating paligid ang pinipilit na lamang makaraos sa araw-araw dahil sa hirap ng buhay. Hindi rin naman dahil mahirap ang estado ng kanilang buhay ay mawawalan na sila ng pag-asa.

Nagsusumikap lamang silang maging positibo at matatag dahil alam nilang kinabukasan ay makakagawa silang muli ng diskarte kung paano sila makakaraos kasama ng kanilang mga mahal sa buhay. Tunay nga na nakakabilib talaga ang mga Pilipino dahil hindi natin hinahayaan na magapi tayo ng kahirapan, kalungkutan, at kahit ano pang kalamidad.

Patuloy lamang ang buhay basta’t kapiling natin ang ating pamilya.




error: Content is protected !!