Bagong kasal, gumastos lamang ng mahigit Php3,000 para sa kanilang unli-rice at unli-sabaw wedding reception!



Mayroon tayong paniniwala na minsan lamang tayo ikasal kung kaya naman talagang pinaghahandaan natin ang espesyal na araw na ito. Marami sa atin ang nagnanais na maging “memorable” ang araw ng ating kasal kung kaya naman talagang pinaglalaanan natin ito ng oras, pera, at panahon.

Ngunit marami talaga sa atin ang nagdadalawang-isip lalo na kung gastos sa kasal ang pag-uusapan. Hindi kasi biro ang mag-asikaso ng event na ito lalo na kung marami-rami din ang iimbitahang bisita.

Ngunit kamakailan lamang ay mayroong nag-trending na bagong kasal kung saan dinala nila mismo ang kanilang mga bisita sa isang fastfood kung saan mayroong unli-rice at unli-sabaw! Talaga namang gustong-gusto ng mga Pinoy ang “unli”.

Ang kabuuang gastos nila ay umabot lamang ng mahigit Php3,000! Ang bagong kasal ay kalaunang nakilala bilang sina Rhaqueza at Rian Baynosa na taga-Cebu.



Masarap daw kasi talaga kumain kung kaya naman naisipan nilang sa naturang fastfood chain na lamang idaos ang kanilang wedding reception.


“Limited lang ‘yung mga tao na in-invite namin, mga 15 persons lang, hindi masyadong malaki ‘yung binabayaran namin. Although, ginusto talaga namin ‘yung medyo magara naman, kasi sabi nga minsan lang tayo kinakasal, pero siyempre ‘yung pera naman hindi naman minsan,” Pahayag ni Rhaqueza.

Nakasuot pa noon ng kaniyang wedding gown habang umoorder ng pagkain para sa 15 katao kasama na silang mag-asawa. Ang kaniyang total bill ay umabot lamang ng Php3,044!

Hindi lamang manok ang kinain nila dahil mayroon pa itong kasamang dessert na halo-halo. Buntis din kasi ng mga panahon na iyon si Rhaqueza kung kaya naman talagang napagdesisyunan nilang magtipid ng husto sa kasal nilang ito.

Doon na rin nila ginanap ang kanilang “money dance” at ang pagbubukas ng mga regalo kung saan nakatanggap sila ng kaldero na puno ng bigas at isang arinola. Makalipas ang isang buwan ay naisilang na ni Rhaqueza ang anak nila ni Rian.

Talaga namang laking pasasalamat niya dahil nairaos nila ang kanilang kasal at naging masaya din sila at ang kanilang mga bisita sa kakaiba ngunit sulit na wedding reception na ito.




error: Content is protected !!