Isang single daddy muling ginawa ang photoshoot nila ng pumanaw niyang asawa ngunit ngayon ay kasama na ang kanilang isang taong gulang na anak!



Napakahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Talagang hindi natin kailanman kayang ilarawan ang sakit at pangungulila na nararamdaman ng mga naiwan.

Ngunit dahil sa mayroon pa ring mga taong umaasa sa atin, kinakailangan nating maging maayos muli at kahit papaano ay makapagpatuloy sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ang isang ama na ito na nakilala bilang si James Alvarez.

Pumanaw ang kaniyang 23 taong gulang na asawa na si Yesenia Aguilar noong siya ay 8 buwang buntis sa kanilang panganay na anak na babae. Isang lasing na truck driver kasi ang nakabundol sa kaniya dahilan upang maging kritikal ang buhay niya sa ospital ngunit sa kabutihang-palad ay nailigtas pa ang kanilang anak na si Adalyn Rose.

Nang isang taong gulang na ang kanilang anak ay nagdesisyon si James na gawin muli ang dating maternity sh00t ng kaniyang misis kasama siya. Ngunit ngayon ay anak na nila ang kaniyang kasama.

‘I wanted to do something meaningful and special to celebrate her birthday and honor my wife.’

‘We tried to reenact it to make the pictures identical and it was truly amazing.’

‘Looking at Adalyn dressed up like her mom, it was very emotional and touching. It reminded me how proud and how happy my wife would be seeing how gorgeous she is.’

The photographer, Grisel Leyva, suggested that they do a recreation yearly in Yesenia’s honor.


Tinulungan daw niya ang kaniyang anak na isuot ang light pink na bistidang kamukha ng suot ng kaniyang nasirang asawa. Nagtungo sila sa parehong lugar at sinubukang gayahin ang bawat pose sa bawat larawan ng kaniyang namayapang asawa.

“I remember when I looked at her eyes, told her how much I love her. I will never forget the experience.” Pahayag ni James.

“Of course, I wanted to, but I know that my wife is looking at us from the sky, so I always try to keep smiling. During the photo sh00t, I also found that my daughter is really like her mother, as beautiful as her.” Dagdag pa niya.

‘I love the idea. It’s going to be something memorable,’ James said.

Ngayong isang taong gulang na ang kaniyang anak na si Rose ay talagang ramdam ni James ang hirap at hinagpis nang pagkawala ng kaniyang asawa. Gusto man niyang ibalik ang dating pagsasama nila noong ito ay nabubuhay pa ngunit wala na siyang magagawa pa kundi ibuhos na lamang ang kaniyang pagmamahal sa kanilang anak.

Source: DailyMail




error: Content is protected !!