Isang magandang modelo, sinabihan ng kaniyang kaibigan na huwag nang dumalo sa kasal nito nang mapansin niyang napakaganda nito sa gown na kaniyang pinili para sa modelo!



Ang kasal ng taong malapit sa atin ay talaga namang espesyal rin para sa atin. Talaga namang hindi natin ito palalampasin lalo na kung isa tayo sa mga taong pinagsabihan nila at inimbita sa espesyal na okasyon na ito.

Kamakailan lamang ay mayroong isang magandang modelo na nagbahagi ng isang kwento sa kaniyang TikTok account. Isang malapit na kaibigan daw niya ang nag-imbita sa kaniya sa kasal nito.

Siya rin mismo ang pumili ng gown na kaniyang isusuot. Nang mapansin ng kaniyang malapit na kaibigan na napakaganda niya habang suot ang naturang dress ay tila nagbago ang ihip ng hangin at sinabi nitong huwag na siyang dumalo sa kaniyang kasal.

Nalungkot at talagang nagulat ang modelong si Alena mula sa Heidelberg, Germany. Sa ngayon ay mayroon nang limang milyong views ang TikTok niyang ito.

Nagkagulo rin naman ang mga netizens sa karanasan ito ng magandang modelo. Marami ang nakisimpatya sa kaniya at sinabing hindi dapat ito ginawa sa kaniya ng kaniyang malapit na kaibigan kahit pa nga sabihing ito ay kasal niya at espesyal na araw para sa kaniya.

Talaga daw hindi maintindihan ni Alena kung bakit ito ginawa sa kaniya ng kaniyang malapit na kaibigan. Dapat din niyang isinaalang-alang ang mararamdaman ng kaniyang kaibigan kahit pa nga gaano ito kaganda at kaseksi.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“As your friend, she should want you to look beautiful. If she was secure and confident, she wouldn’t feel intimidated at her own wedding. So sad.” Komento ng isang netizen.

“Really upsets me. Women should empower each other and we are all beautiful in our own way” Pahayag pa ng isa.

“I mean, she’s kind of right. You can’t come like that to my wedding and expect me not to run away with you,’ one viewer joked. ‘Like, at that point I’m marrying you.” Turan naman ng isa pang netizen.




error: Content is protected !!