Isang lalaki nagulat nang makita ang tunay na mukha ang kaniyang minamahal!



Ang panglabas na anyo ng isang tao ay madalas na hinuhusgahan sa ngayon. Talaga namang napakahirap ngunit hindi na yata natin maiaalis sa isipan ng marami na husgahan ang isang tao nang depende sa kaniyang panlabas na hitsura.

Hindi rin naman kasi natin masisisi ang mga taong ito dahil marahil ay dahil na rin ito sa mga naging karanasan ng marami sa atin noon kung saan nagtiwala sila ngunit nasira ang tiwala nilang ito sa isang tao. Di kaya naman ay dahil sa laganap na paggamit natin ng social media, marami ang mga hate comments na ating nababasa at naiimpluwensiyahan din tayo ng mga ito.

Kamakailan lamang ay mayroong isang video ng babae at lalaking tila bagong kasal. Nakasuot sila ng suit at wedding gown.

Ngunit mayroong kakaiba sa babae. Medyo kulubot kasi ang kaniyang balat, sa unang tingin ay tila isang matanda o isang babaeng mayroong sakit sa balat.

Ngunit habang nagpapatuloy ang video na mayroon nang libo-libong views ay mapapansin ang pagtatanggal niya ng kaniyang tila isang prosthetic makeup. Marami ang nasorpresa sa naging reaksyon ng lalaki na marahil ay nobyo o asawa ng babae sa video.

Gulat na gulat ito at tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Tila ba tanggap na niya ang unang mukha ng kaniyang minamahal ngunit labis pa rin niyang ikinagulat ang totoong hitsura nito.

Marami din namang mga netizens ang nagsasabing hindi na mahalaga ang hitsura ng babae dahil halata naman sa kaniyang minamahal na lalaki na tanggap siya nito. Napakapalad niya dahil mayroong isang lalaking nagmamahal at tanggap siya sa kung ano siya at kung ano ang kaniyang tunay na hitsura.

Patunay lamang ito na posible pa rin palang may magmahal sa atin kahit na mayroon tayong hindi kaaya-ayang hitsura. Tulad na lamang ng magkasintahan na ito sa video.

Tiyak na mas magiging matatag na sila ngayon at mas mamahalin ang isa’t-isa dahil sa tanggap nila ng buong-buo ang isa’t-isa.