Pamilyang nakikinuod lamang ng TV sa kanilang kapitbahay, agad na pinagsaraduhan ng pintuan at bintana!



Madalas na masarap balikan ang ating nakaraan lalo na kung ito ay alaala kasama ang ating mahal sa buhay at malalapit na kaibigan. Madalas kasing marami tayong natututunan sa mga karanasan nating ito na ngayon ay talagang naisasabuhay na natin.

Ngunit mayroon din palang mga mahihirap na sitwasyon sa ating buhay na tila hindi ganoon kagandang balik-balikan. Halimbawa na lamang ang naging sitwasyon na ito ng isang pamilya na nakikinuod lamang ng telebisyon sa kanilang kapitbahay.

Noon pa man tiyak na marami nang mga Pilipino ang nakaranas nito. Hindi kasi lahat sa atin noon ay mayroong kakayahan na makapagpundar ng maayos na TV, antenna, at makapagbayad ng buwanang kuryente.

Iilan lamang talaga sa mga bahay ang mayroong maayos na telebisyon. Tulad na lamang ng bahay na ito kung saan nanunuod ang isang pamilya. Sa mga larawang kumalat sa social media at makikitang nakaabanag na ang 3 kabataan, 1 bata at isang matanda sa labas ng bintana ng kanilang kapitbahay.

Marahil ay mayroon silang sinusubaybayang palabas o di kaya naman ay nais lamang nilang maglibang kung kaya naman sila nakinuod. Ngunit nang mapansin ng tao sa loob ng bahay na mayroong nakasilip sa kanilang bintana at pintuan ay agad nitong ibinaba ang kanilang kurtina at gayundin naman ay agad na sinara ang pintuan.

Sa totoong lang, talagang hindi makatao at nakakabastos ang ganitong ugali. Lalo na kung sa kapwa tao mo ito gagawin.

Bagamat hindi natin batid ang tunay na dahilan kung bakit pinagsaraduhan ng taong iyon ang pamilyang ito, marami pa ring mga netizens ang talagang galit na galit sa nangyari. Dapat raw ay hinayaan na lamang nilang makanuod ang pamilyang ito lalo na at nasa labas naman sila.

Hindi rin naman daw sila gagawa ng masama at nais lamang talaga nilang makinuod sa telebisyon ng kanilang kapitbahay. Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa pagkokomento patungkol sa naturang pangyayari.

 


Similar Articles

Comments

LATEST POST