$7.5 million ang natagpuan ng lalaking ito sa isang abandonadong imbakan na kaniyang nabili sa halagang $500 lamang!



Sadyang napakaswerte ng isang lalaking ito matapos niyang makakita ng limpak limpak na salapi sa isang abandonadong imbakan na nabili niya sa “Storage Wrs” sa murang halaga! Si Dan Doston at ang misis niyang si Laura ay nagpapatakbo ng isang auction house at sa Facebook video niya nito lamang Nobyembre ay naitampok niya ito sa kaniyang post. Ayon kay Dan ay mayroong isang babae na kumausap sa kaniya at sinabi nito na ang kaniyang asawa ay nagtatrabaho sa isang lalaki na nakabili ng isang abandonadong “storage unit” sa halagang $500 lamang na mayroon pa lang “safe” sa loob.

Matapos mabili ang nasabing unit ay medyo natagalan bago ito mabuksan ng lalaki. Ang unang taong pinagbukas nila ng “safe” ay hindi ito nagawa o talagang hindi niya ginawa. Ang ikalawang “panday” o “liyabero” ay nagawa naman itong buksan ang laking gulat nilang makita ang tumataginting na $7.5 milyon!

Ang unang may-ari ng nasabing “storage unit” ay napagdesisyunang ibenta ito dahil sa hindi sila nakapagbayad ng kanilang renta ng maayos. Tila ba isang nakabaon na kayamanan ang natagpuan ng swerteng lalaki.


Nagkaroon ng malaking problema ang bagong may-ari ng “storage unit” ng napag-alaman ng unang may-ari na mayroong malaking halaga ng salapi sa kanilang ibinenta. Ang mga orihinal na may-ari ay magbibigay diumano ng $600,000 sa lalaking nakatagpo ng malaking halaga ng pera sa kanilang dating pagmamay-ari ngunit kalaunan ay tumaas ito sa halagang $1,200,000 para lamang maibalik sa kanila ang perang natagpuan ng bagong may-ari.

Kalaunan ay pumayag na rin ang bagong may-ari ng “storage unit” sa naging usapan nila. Ayon pa sa co-star ni Dotson na si Rene Nezhoda na may-ari din ng “Bargain Hunters Thrift Store” ay tiyak na mayroong mabigat na dahilan kung bakit ang ganito kalaking halaga ng salapi ay wala sa banko at nakatabi sa isang “storage unit” lamang. Ngunit ano man ang naging pinagmulan ng malaking halaga ng salaping ito ay talaga namang marami itong magagawa o matutulong kung mapupunta ang mga salapi na ito sa tamang tao o grupo ng tao na mayroong mabuti at matulunging puso para sa mga taong kapus-palad at mas nangangailangan.




error: Content is protected !!