Mga larawan ni “Sample King” Jhong Hilario sa likod ng kamera kinagiliwan ng kaniyang mga tagahanga at tagasuporta!



Si Virgilio Viernes Hilario Jr. ay 44 taong gulang na aktor, dancer at pulitiko. Isa siya sa mga miyembro ng dance group na Streetboys na talaga namang isa sa pinakamahuhusay na dance group sa bansa.

Sa ngayon ay kasalukuyan siyang nagsisilbi bilang konsehal ng 1st district ng Makati City mula pa noong 2016. Maliban sa napakahusay niyang talento sa pagsasayaw ay talaga namang walang tulak kabigin ang publiko nang gumanap siya bilang si Homer “Alakdan” Adlawan sa programang “FPJ’s: Ang Probinsyano”.

Naging epektibo ang kaniyang pagganap bilang kalaban ni Cardo Dalisay kung kaya naman maraming mga manunuod din ang talagang natakot at nagalit sa kaniya. Maaaring masayahin at talagang makulit ang kaniyang personalidad lalo na kung kasama niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan ngunit pagdating sa kaniyang pagiging isang konsehal ay talagang masasabi ng marami na seryoso siya rito at ginagawa niya ang lahat sa abot ng kaniyang makakaya upang makapagsilbi ng tapat sa bayan.


Isa rin siyang “certified dog lover” at makikita ito sa kaniyang mga posts online kasama ang kaniyang aso. Kahit abala rin siya sa kaniyang trabaho bilang isa sa mga host ng “It’s Showtime” ay hindi pa rin nakakaligtaan na mamahinga at magbakasyon.

Madalas niyang kasama ang kaniyang longtime girlfriend na si Maia Azores sa kaniyang mga bakasyon. Kitang-kita naman sa kanilang mga larawan ang kanilang matamis na pagmamahalan.

Nobyembre 2020 ay ibinahagi nila sa publiko na malapit na nilang makapiling ang kanilang panganay na anak dahil sa nagdadalang-tao na si Maia. Halos higit sa siyam na taon na rin ang kanilang relasyon.

Malaki man ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang mahalin nila ng tapat at wagas ang isa’t-isa. Tunay nga na isa na ngayon sa mga matatagumpay na aktor at pulitiko ng kaniyang panahon si Jhong.

Hindi man naging madali ang kaniyang buhay noon dahil sa dami ng kaniyang pinagdaanan ay masayang masaya at kuntento na siya ngayon sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!