Ikinagimbal ng publiko ang sumabit na hito sa tiyan ng babaeng ito!

Tunay ngang hindi mo inaasahan ang mga bagay o aksidenteng maaaring mangyari sa iyo sa isang kisap mata lamang. Maaaring sa pinaka hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon ay mangyari sayo ang isang bagay na hindi mo talaga inaasahan. Kagaya na lamang ng isang babaeng ito na masayang naglalangoy sa dagat ng diumano’y mayroong hito na dumikit at tumusok sa kaniyang tiyan!


Ang nasabing babae ay mula pa sa Itanhaém, Brazil. Ayon sa nasabing post ng isang EMT Marcelo Araujo Tamada sa kaniyang social media account ay mayroong permiso ng babae ang pagbabahagi niyang ito ng mga larawan. Ayon pa sa kaniya, naglalangoy lamang ang babaeng ito sa hindi na pinangalanan pang beach resort nang bigla na lamang itong naghumiyaw at humingi ng saklolo dahil sa mayroong dumikit at tumusok sa kaniyang tiyan. At nabigla nga ang lahat nang makita na isang hito pala ang nakatusok sa kawawang babae. Hindi na nito napigilan pa ang humagugol sa pag-iyak dahil sa matinding sakit. Agad naman siyang naisugod sa pinakamalapit na ospital. Labis na nagulat ang mga doktor at nars ng ospital sa pangyayaring ito dahil sa ngayon pa lamang sila nakasaksi ng isang hito na nakatusok sa katawan ng isang tao. At talaga namang kapansin-pansin ang lalim ng tila isang tinik na parte ng ulo ng hito sa katawan ng babae. Talaga nga namang manghihina ka sa mga larawang ito dahil tila ba ramdam mo ang sakit at lalim ng parte ng ulo ng hito na ito.


Kung marami ang nagpapaalala patungkol sa pag-iingat sa mga pating o kaya naman ay jellyfish, dapat din pala tayong mag-ingat sa mga hito dahil sa mga parte ng katawan nito na kapag dumikit o nakatusok sa katawan ng isang tao ay talaga namang iindahin niya ang sakit nito.



Reply

error: Content is protected !!