Isang bahay at trabaho ang naging gantimpala para sa lalaking ito na nagsauli ng isang pitaka na mayroong limpak limpak na salapi!



Marahil marami sa atin ngayon ang nangangarap magkaroon ng sarili nilang mga bahay na hindi na kakailanganin pa na maglaan ng buwanang renta. Sa katagalan ng pagrerenta ng mga bahay na ito ay hindi rin naman magiging sa kanila ang mga paupahang bahay. Nakakalungkot mang isipin ngunit maraming mga Pilipino ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon magpahanggang sa ngayon.


Sa hirap ng ating buhay, sa liit ng sahod ng mga manggagawang Pilipino at sa taas ng mga pangunahing bilihin ay talaga namang magiging mabagal at mahirap ang pag-asenso ng bawat isa. Sa kabila ng hirap ng buhay ay mayroon pa ring mga tao na walang sawa na gumagawa ng mabuti sa araw-araw. Tulad na lamang ng isang lalaki na ito na nakilala bilang si Woralop. Siya ay 45 taong gulang, walang trabaho, at walang tahanan.




Isang araw habang siya ay naglalakad ay bigla na lamang nalaglag ang pitaka ng isang lalaki sa kaniyang unahan, nang kaniya itong pinulot at tiningnan ay nagulat siya sa laman nito. Ang laman ng pitaka ay 20,000 baht o higit-kumulang 30,000 pesos!

Sa kabila ng kakulangan niya sa pera at tahanan ay hinabol pa rin niya ang nakalaglag ng pitaka ngunit hindi na niya ito inabutan pa. Kung kaya naman napagpasyahan niyang dumiretso na lamang sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang tunay na nagmamay-ari ng pitaka. Siya pala ay isang negosyante at nagmamay-ari ng pagawaan ng bakal sa Thailand na si Nitty Pongkriangyos. Labis itong natuwa sa katapatang ipinakita ni Woralop at nang malaman nito na wala siyang trabaho ay agad niya itong kinuha sa kaniyang kompanya.



Bukod sa trabaho ay binigyan din si Woralop ng sarili nitong kwarto sa employee hostel ni Nitty at binilhan pa ng ilang gamit at damit ng kasintahang ni Nitty na si Tarika Patty. Talaga nga namang ang mabuting kalooban ay aani rin ng kabutihan sa tamang panahon. Isang napakagandang inspirasyon ng kwento ni Woralop para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan.




error: Content is protected !!