Netizen, pinuri pa rin ang rider na nagdeliver ng order niyang cake kahit pa naka-bike lamang ito!



Dahil sa kinahaharap nating pandemya sa ngayon ay maraming mga tao ang hindi pa maaaring lumabas ng kanilang mga tahanan. Marami din ang mga taong hindi na nagawang magdiwang pa ng kanilang kaarawan dahil sa mas kinakailangang unahin ang kaligtasan ng buong pamilya lalo na at napakahirap malaman sa ngayon kung ang isang taong nakakasalamuha mo ay mayroon na ring dala-dalang sakit.



Kung kaya naman marami sa atin ngayon ang nakukuntento na lamang na maghanda at ipagdiwang ang kanilang kaarawan sa loob ng kanilang mga tahanan. Isa sa pinaka-mabili sa mga panahong ito ay “birthday cake”. Marami sa atin ang madalas bumibili nito lalo na para sa kaarawan ng ating minamahal.



Hindi man makapagdiwang ng magarbo ay kahit sa simpleng cake lamang ay makabawi ang “birthday celebrant”. Kamakailan lamang ay umani ng maraming mga komento at sari-saring reaksyon mula sa publiko ang isang netizen na ito dahil sa kaniyang pagpuri sa isang delivery rider na bike ang gamit upang kumita ng kaunti lalo na ngayong mahirap maghanap ng pagkakakitaan.


Ayon sa netizen na si Marga Katrina Lucena, nais niya talagang mainis dahil sa nangyari sa order niyang cake para sana sa kaarawan ng kaniyang ina ngunit nang makita niyang naka-bike pala ang delivery rider ay tila mas nangibabaw sa kaniya ang maging maunawain lalo na sa panahon natin ngayon. Inakala kasi nila nang una na nakamotor ang rider na nagpapasa-“buy” ng kanilang order, aminado naman silang kahit motor o bike at talagang napakahirap ingatan ang cake sa loob ng box kung kaya naman madudurog at masisira talaga ito.




Ngunit noong inaakala niyang magagalit ang kaniyang ina sa makikitang cake at tila naawa pa ito sa rider at nagdagdag pa ng tip na P50 bukod pa sa P100 na delivery charge. Hindi naman kasi talaga madali ang magbisekleta sa ilalim ng tirik na tirik na araw kung kaya naman sumaludo talaga sila sa rider na nagdala sa kanila ng order nilang cake.



Pinaalalahanan din naman niya ang publiko na iwasan at tigilan na ang pamamahiya sa mga taong nais lamang maghanap-buhay at kumita sa desenteng pamamaraan lalo na ngayon na napakahirap ng buhay.



error: Content is protected !!